𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗

Ipinaalala ng awtoridad sa mga Pangasinense ang mga maaaring banta ng sakit na dengue sa darating na panahon ng tag-ulan.

Nagpaalala ang Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office sa kanilang facebook page ukol sa kahalagahan ng paghahanda at pag-iingat ng publiko pagdating sa bantang hatid ng sakit na dengue.

Sa paparating na panahon ng tag-ulan, payo ng mga ito na maging masiguro sa mga kagamitan sa loob ng tahanan na maaaring pamugaran ng mga lamok.

Dapat umano na takpan o itaob ang mga lumang gulong, balde, drum, at kung ano pang bagay na maaaring pamahayan ng lamok.

Mas mainam rin umano kung walang nakatambak na tubig sa paligid ng bahay at ugaliing linisin ang kanal para maiwasan na maipon ang tubig-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments