𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦, 𝗠𝗔𝗦 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Mas tinututukan ngayon ng mga kaukulang ahensya tulad ng Department of Agriculture (DA) ang banta ng mas lumalalang El Nino Phenomenon sa magiging epekto nito sa presyuhan ng bigas sa merkado.

Ayon sa PAGASA, asahan na mas titindi ang nararanasang epekto ng El Niño hanggang sa unang quarter ng taong 2024.

Bagamat simula na ang anihan season ng palay ngayong buwan na kung saan, bahagyang mararamdaman ang pagbaba sa presyuhan ng bigas ay maaaring magkaroon muli ng paggalaw dahil sa El Niño.

Sa buong Ilocos Region, hindi magiging apektado ang suplay ng bigas at mananatiling mataas ang produksyon nito, ayon sa DA Region 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments