𝗕𝗔𝗡𝗧𝗨𝗚𝗔𝗡-𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗭𝗢𝗥𝗥𝗨𝗕𝗜𝗢, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔

Binuksan na sa mga motorista ang Bantugan-Malasin Bridge sa Pozorrubio, Pangasinan matapos sumailalim sa pagsasaayos makaarang matuklap ang ilang bahagi ng tulay.

Isinara noong Sabado at Linggo ang tulay upang bigyang Daan ang konstruksyon nito.

Ayon sa LGU, ligtas nang daanan ang naturang tulay.

Matatandaan na gawa sa metal plates na may kalumaan ang tulay kung kaya’t ang bahagi nito ay umangat.

Suhestyon ng mga residente ang pagbabalik ng vertical clearance sa tulay upang maiwasan ang pagdaan ng mga naglalakihang trak na sobra sa kapasidad ng tulay at upang hindi na maulit muli ang naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments