Mahigpit na binabantayan ngayon ang pagpasok ng mga baboy sa lalawigan ng La Union, matapos na nagpositibo sa African Swine Fever o ASF ang sampung barangay dito.
Ipinagbabawal ang pagpasok ng buhay na baboy sa probinsya sa loob ng 30 araw. Layunin ng kautusan na mapigilan ang pagkalat ng sakit sa iba pang barangay.
Sa isinagawang pagsusuri, nasa 329 na baboy ang nagpositibo sa sakit partikular sa pitong barangay ng Balaoan, dalawang barangay sa Luna, at isa naman sa lungsod ng San Fernando.
Ayon sa Department of Agriculture region 1, binabantayan din ang bayan ng Sta Barbara at Anda sa Pangasinan na nanatiling nasa ilalim ng red buffer zone.
Namahagi na ng tulong pinansyal ang ahensya sa mga apektadong hog raisers.
Tiniyak naman ng DA na sapat ang suplay ng karne ng baboy sa rehiyon kahit pa nakapagtala ng kaso ng ASF. |πππ’π£ππ¬π¨