𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗖𝗔𝗣𝗧𝗔𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗢, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗧𝗦𝗘 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗧𝗔𝗪𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔

Suat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang Punong Barangay matapos itong mabangga ng isang kotse habang tumatawid sa kanilang lugar sa bayan ng Balungao.
Ang biktima ay nakilalang si Balungao San Leon Barangay Captain Ricardo Hernandez kung saan ay naganap ang aksidente pasado alas sais ng Hapon.
Tumatawid sa kalsada ang nasabing Punong Barangay nang ito ay mabangga ng isang kotse na minamaneho ng isang Babylinda Reyes.

Dahil dito ay tumilapon ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad namang naisugod sa pagamutan habang boluntaryo namang sumuko sa PNP ang driver ng sasakyan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments