𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗖𝗛𝗔𝗜𝗥𝗠𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡

Patay ang isang barangay chairman sa San Nicolas, Ilocos Norte matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, nakatambay umano ang biktima sa bahagi ng garahe ng kanilang tahanan at biglang nilapitan ng suspek sakay ng isang motorsiklo saka pinagbabaril.

Mabilis naman na nakatakas ang suspek matapos na gawin ang krimen habang natagpuan naman sa pinangyarihan ang apat na basyo at isang tingga ng caliber 45 ang narekober ng awtoridad.

Nagtamo ng tama ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang 45 anyos na biktima at nadala pa sa ospital ngunit kalauna’y namatay rin habang ginagamot.
Politika at personal na dahilan ang isa sa anggulong tinitignan ngayon ng kapulisan habang patuloy na gumugulong ang imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments