𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗹 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗞𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚-𝗦𝗢𝗟𝗜𝗖𝗜𝗧

Inabisuhan ng Barangay Council ng Pantal, Dagupan City ang mga nasasakupan nito ukol sa mga indibidwal na nag-iikot upang magsolicit sa mga kabahayan.

Ayon sa pamunuan ng Brgy. Pantal, mapanlinlang umano ang nilalamang dahilan na nakalagay sa ipinapakitang solicitation letters.

Kalakip pa umano ng solicitation letter ay pekeng pirma at maling pangalan ng kasalukuyang punong barangay.

Nilinaw din na walang pahintulot ang Pamahalaang Panglungsod sa mga ganitong aktibidad at maaari pang masampahan ng kaso ang sinumang mahuli sa ilegal na solicitation.

Paalala ng barangay, humingi ng patunay sa sinasabing dahilan ng solicitation bago magbigay ng tulong pinansyal at agad i-report sa awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments