𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡

Patay sa pamamaril ang isang incumbent Barangay Kagawad sa bayan ng Mangaldan.

Ang biktima ay nakilalang si Barangay Guilig Kagawad Romeo “Pudong” del Campo.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng IFM, sakay ng kanyang kotse ang biktima kasama pa ang asawa pasado alas onse ng gabi nang ito ay lapitan at barilin sa ulo ng gunman.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.

Samantala, kinilala naman ang suspek sa pangalang D. Quilan na residente ng Quezon Province na nahuli sa bahagi ng San Fabian; ang gunman na sinasabing nauna nang binangga ng driver ng biktima ng kanilang kotse.

Si Kagawad Pudong ang ikalawang barangay official na pinatay sa Mangaldan matapos pagbabarilin noong nakalipas na buwan lang si Poblacion Mangaldan Barangay Captain Melinda Tonet Morillo.

Inaalam pa ang motibo na nasabing pamamaslang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments