Naglabas ng abiso ang lokal na pamahalaan ng Calasiao ukol sa mga itinakdang petsa na nakalaan para sa mga barangay na bibisita sa mga sementeryo sa pagdaraos ng Undas.
Ayon sa lokal na Pamahalaan, nakatakdang bumisita sa mga puntod sa darating na November 1 ang mga residente mula sa mga barangay ng Ambonao, Gabon, Nalsian, Doyong, Nagsaing, Lasip, Quesban, Poblacion East, Mancup, Banaoang, San Miguel at Ambuetel.
Sa darating naman na November 2, nakaschedule naman sa pagdalaw ang mga residente mula sa barangay ng Dinalaoan, Talibaew, Macabito, Buenlag, San Vicente, Singkoy, Malabago, Longos, Poblacion West, Lumbang, Bued at Cabilocaan.
Layunin nito na maging maayos ang paggunita ng Undas sa bayan.
Pakiusap ng LGU sa mga residente ang kooperasyon sa naturang kaayusan upang maging mapayapa ang paggunita ng Undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨