𝗕𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔𝗜𝗡

Sa muling pagbabalik ng Baratilyo sa Downtown Area ng Dagupan City, dumagsa na ang mga mamimili na naghahanap ng murang pang regalo ngayong Holiday Season.

Samu’t saring paninda tulad ng damit, tsinelas, gamit sa bahay, ilang electric appliances at iba pa ang maaring mabili dito.

Nagsimula umano ang bentahan ng mga negosyante noong November 21.

May mga ilang negosyante na rin ang nagtayo ng pwesto sa bahagi ng Zamora St. para sa food strip.

Umaasa ang mga negosyante na magiging malakas ang bentahan pagpasok ng Disyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments