𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗟𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗚

Upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng Urbiztondo, San Juan Beach, isinusulong ngayon ang programang Tapon to Ipon.

Ang mga naipong basura, kapalit ay bagong bag at damit.

Sa naturang programa, hinihikayat ang mga turista at surfer enthusiasts na makiisa dahil ang mga napulot at nakolektang plastic bottles ay mapakinabangan at maaaring ipalit sa limited edition na T-Shirt o Tote Bag.

Sa bawat 20 small bottles o 5 big bottles kapalit ay isang Tote Bag at 30 small bottles o 15 big bottes naman ay T-Shirt na mula sa La Union Surfing Break.

Samantala, hinihikayat ang mga magtutungo sa San Juan Beach na huwag itapon basta-basta ang basura upang mapanatili ang kalinisan ng baybayin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments