𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗞𝗠𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗨𝗞𝗛𝗔

Isang apat na taong gulang na batang lalaki ang nasakmal ng aso sa Brgy. Longos sa bayan ng Calasiao noong Biyernes.

Saad ng lola ng biktima, naglalaro ang kanyang apo sa gilid ng kalsada nang may lumapit na aso sa bata at biglang sinakmal ito sa mukha. Pinabakunahan na ng anti-rabies vaccine ang bata matapos sagutin ng may-ari ng aso ang gastusin nito.

Ayon sa Center for Health Development Region 1 o CHD-1, importanteng sumailalim ang mga indibidwal na nakagat ng aso sa anti-rabies vaccine lalo na’t tumaas ang kaso ng rabies sa lalawigan ng Pangasinan. Siyam ang naitala ng ahensya na nakagat ng aso at namatay mula Enero hanggang Hunyo.

Nagpanukala ng “ASO MO, ITALI MO” ordinance ang Brgy. Longos na kung saan kapag hindi nakatali ang alagang aso, maaaring multahin ang indibidwal ng P500. Kasalukuyang walo na ang namulta ng P500 ng Brgy. Longos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments