Patay matapos malunod ang isang limang β taon gulang na bata sa isang resort sa Barangay Nagsaing sa bayan ng Calasiao, kamakailan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay residente ng Barangay Lumbang.
Diumano napansin ng isang concerned citizen ang bata na nalulunod sa swimming pool ng resort habang ang tatay umano nitoβy nakikipag-inuman sa mga kaibigan nito nang hindi niya napansin na ang kanyang anak ay nalulunod na.
Samantala, itinakbo ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments