𝗕𝗔𝗧𝗧𝗟𝗘 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗕𝗔𝗡𝗗𝗦 𝗧𝗔𝗠𝗣𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗧𝗜 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝟮𝟬𝟮𝟲



Cauayan City – Inaanyayahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang lahat ng amateur bands sa buong Pilipinas na lumahok sa Battle of the Bands bilang bahagi ng Bambanti Festival 2026.

Bukas ang kompetisyon para sa mga amateur band na nagnanais ipakita ang kanilang talento sa entablado. May nakahandang ₱100,000 cash prize para sa mananalo sa naturang patimpalak.

Upang makapagparehistro, kinakailangang ipadala sa email na isabelasecretarysoffice@gmail.com ang mga sumusunod:
1.Pangalan ng banda
2.Mga pangalan ng miyembro ng banda at kani-kanilang tirahan
3.Google Drive link ng isang sample performance video para sa screening

Ang deadline ng pagpaparehistro ay sa Enero 11, 2026, ganap na alas-12:00 ng tanghali.

Ang Battle of the Bands ay isa sa mga inaabangang aktibidad ng Bambanti Festival na layong itaguyod ang musika, talento, at malikhaing kakayahan ng mga kabataang Pilipino.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang provinceofisabela.gov.ph o makipag-ugnayan sa mga opisyal na social media page ng Isabela.
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments