Humingi ng tulong ang isang BayambangueΓ±ang OFW sa Brunei sa tanggapan ng LGU Bayambang, Pangasinan dahil umano sa nararanasan nitong pang-aabuso mula sa kanyang ppinagtatrabahuan.
Sa ibinahagi nitong video sa Facebook nitong January 11, sinabi nito inabuso siya ng kaniyang amo at pinagsamantalahan pa ng driver nito.
Sinubukan umano nitong magpa-rescue sa kanyang agency subalit nabigo umano ang mga ito kayaβt hiling na ng kaniyang kaanak na mapauwi na sana siya ng Pilipinas sa maagang panahon.
Agad naman itong inaksyunan ng PESO Bayambang kung saan nakipag-ugnayan ang mga ito sa OWWA para sa agarang repatriation ng inabusong OFW.
Sa ngayon, nasa mabuting kamay na at ligtas na ang bayambanguenang OFW at pansamantala munang naninirahan sa kapatid nito sa Brunei.
Pinoproseso na rin ang mga papeles at plane ticket nito ng OWWA at hinihintay na lamang ang resulta sa imbestigasyon na isinasagawa ng Philippine Embassy sa Brunei ukol sa kaso. |πππ’π£ππ¬π¨