𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗨𝗔𝗡𝗚, 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗧𝗬

Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Bauang sa lalawigan ng La Union dahil sa patuloy na nararanasang epekto ng Habagat na pinalakas pa ng Bagyong Carina.

Epektibo ang naturang kautusan sa bisa ng Sangguniang Bayan Resolution No. 2024-620. Ang Balili River sa bayan ay mahigpit na minomonitor sa posibleng pag-apaw nito.

Ilang kabahayan din ang nasira sa bayan at may mga kalsada na hindi madaanan ng mga sasakyan hanggang sa ngayon.

Nagpamahagi naman ang DSWD Office 1 ng tulong sa mga residenteng inilikas sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments