𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗨𝗚-𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥𝗘𝗗 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬

Idineklara sa ginanap na Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing bilang ‘drug-cleared municipality’ ang bayan ng Binalonan.

Ang naturang pagtitipon ay dinaluhan ng mga pinuno mula sa PDEA, DILG, Police Regional Office 1, DOH, at mga kawani mula sa mga LGUs ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.

Dumaan sa masusing deliberation, validation a t verification ang 24 na barangay at dalawang bayan sa Ilocos Region na kinabibilangan ng bayan ng Binalonan.

Matatandaan na nitong buwan ng Mayo 2024 ay idineklara rin bilang drug-free municipality ang bayan ng Dasol sa Pangasinan matapos makamit ng huling barangay doon ang clearance mula sa PDEA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments