𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚 𝟭𝟬𝟬% 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥𝗘𝗗 𝗡𝗔

Nakamit na ng bayan ng Manaoag ang pagiging hundred percent drug free municipality.

Ito ay matapos sumailalim ang dalawampu’t-anim ng barangay sa deliberasyon at isinalang sa Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program.

Nauna nang ginawaran ang mga barangay ng drug cleared status matapos ang deliberasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office I at iba pang law enforcement agencies.

Samantala, upang mapanatili ang naturang status tiniyak ng lokal na pamahalaan na Patuloy na paiigtingin kampanya kontra sa iligal na droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments