𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗦𝗨𝗥𝗛𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔

Cauayan City – Idineklarang insurgency-free ang Bayan ng Palanan nitong ika-11 ng Abril, 2024.

Ang deklarasyon ay ginanap sa AR Bernardo Gymnasium, Brgy. Dikabisagan West base sa Resolution No. 2024-19 ng Sangguniang Bayan ng Palanan.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad ni Major General Audrey Pasia, Commander ng 5th Infantry Division ng Philippine Army, Police Colonel Allen Lee Bauding, Provincial Director ng IPPO na si Angelo Bernardo, at Municipal Mayor Plormelinda Olett ng NICA2 kasama ang labimpitong barangay captains ang naturang aktibidad.


Pinamunuan ni Mayor Bernardo ang signing of Pledge of Commitment Board bilang tanda ng dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran ng naturang bayan.

Samantala, nitong ika-12 ng Abril ay isinagawa din ang kaparehong aktibidad sa Bayan ng Maconacon at Divilacan, Isabela.

Facebook Comments