Nagsagawa ng profiling ang Philippine Rural Development Project (PRDP) Ilocos Region para mga benepisyaryong magsasaka na nakatakdang mabebenipisyuhan ng onion cold storage sa Alcala. Ayon sa chairman ng isang kooperatiba sa bayan, pinaka-kailangan nila ang cold storage facility lalo gayong kabilang sila sa nagproproduce ng mga high value crops gaya ng sibuyas.
Nitong buwan ng Pebrero nang aprubahan ng Regional Project Advisory Board Region 1 ang pagtatayo ng naturang pasilidad na tinatayang nasa Php193.6 million ang halaga kung saan 80% dito ay manggagaling sa World Bank loan habang 20% naman ay manggagaling sa Department of Agriculture at Local Government Unit (LGU) ng Alcala.
Ang pagsasagawa ng profiling na ito ay upang maka kolekta ng socio economic data mula sa mga magsasaka na siyang magagamit para sa epekto ng proyekto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨