Nararanasan ngayon ng ilang bangus vendors sa Dagupan City ang tumal sa bentahan ng bangus.
Bunsod daw ito ng sunod sunod na pagtama ng bagyo sa mga nakalipas na linggo.
Ayon sa ilang bangus harvester sa Dagupan City, naantala pansamantala ang pagharvest sa mga bangus dahilan ang inaasahang konting mga mamimili.
Sa ngayon, naglalaro sa P150 per kilo ang presyo ng bangus habang nasa P170 hanggang P180 naman ang malalaking size nito.
Inaasahan ng ilang vendors na muling tatangkilikin ang produktong bangus ngayong Holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments