𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗗𝗘𝗥𝗦 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣

Naniniwala ang grupong Bantay Bigas na may mga taong nakikinabang sa lumabas na iregularidad sa National Food Authority o NFA.

Ito ay matapos mabunyag ang ginawang pagbebenta ng bigas ng NFA sa mga private traders.

Ayon sa Naging panayam ng IFM News Dagupan kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, matagal nang nagaganap ang nasabing bentahan ng mga NFA sa mga traders.

Kaisa, aniya, sila sa mga humihiling ng malalimang imbestigasyon kaugnay dito kung saan posibleng hanggang sa mga nakalipas na administration nito ay madawit sa usapin.

Naniniwala naman ito na malalaman din sa mga susunod na imbestigasyon kung kanino ibinenta ang nasabing mga bigas bagamat wala pa sa merkado ang mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments