Kumpiyansa ang mga boneless bangus vendors sa Dagupan City na lalakas ang bentahan ng kanilang produkto pagsapit ng holiday season.
Ayon sa ilang tindera nasa limang piso lamang ang idinagdag nila sa presyo ng kanilang ibinebentang boneless bangus tuwing sasapit ang holiday season.
Aniya, marami rin ang bumibili ng boneless bangus na ibinebenta rin ng ilan kapag bumabalik ng Manila.
Ang ilang mamimili rin ang mas gusto ang boneless bangus dahil hindi na pahirapan ang paglilinis nito at ready ng iluto.
Sa ngayon, naglalaro ang presyuhan ng naturang produkto mula 75 pesos hanggang 110 sa kada tatlong piraso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments