𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗠𝗔𝗦 𝗟𝗔𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗧𝗨𝗠𝗔𝗟 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡

Matumal pa rin ang bentahan ng christmas lantern sa kahabaan ng Brgy. Caranglaan, Dagupan City, Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Dagupan sa ilang negosyante, mahina ang bentahan ng parol ngayon kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Bukod sa pagtaas ng presyo ng mga materyales sa paggawa ng parol, isa rin umanong maaring dahilan ang isinasagawang road elevation sa bahagi ng Brgy. Caranglaan.

Pinakamababa ang P1, 000 na small size lighted christmas lantern habang hanggang P6, 000 ang pinakamalaking maaring mabili dito.

Sa kabila nito, hindi pa rin nagtataas ng presyo sa bentahan ang mga ito upang agad mauubos ang kanilang tinda.

Inaasahan umano na lalakas ang bentahan nito sa pagsapit ng November 15 kung saan tatanggap ang maraming empleyado ng christmas bonus. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments