𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗞𝗔𝗦

Lumakas na ang bentahan ng lighted christmas parol sa kahabaan ng Brgy. Caranglaan sa Dagupan City pagpasok ng Disyembre, ilang linggo bago ang kapaskuhan.

Ayon kay Susan Zarate, lighted parol vendor at stall owner sa Brgy. Caranglaan, nagsimula nang tangkilikin ng mga mamimili ang kanilang parol kumpara noong nagsimula siyang magbenta noong Setyembre.

Mas malakas din umano ang bentahan ng produkto noong nakaraang taon dahil sa tuloy-tuloy na pagbebenta hindi tulad ngayon na nagkaroon ng sunod-sunod na pananalasa ng bagyo.

Mabibili mula sa 800 pesos ang pinakamaliit na lighted parol hanggang 8,000-9, 000 ang pinakamalaking size na nasa 55 inches.

Umaasa ang mga tindera na kahit papaano ay mababawi ang puhunan sa ibinebentang produkto bago magtapos ang holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments