Mas mabenta ngayon ang frozen meat kaysa sa sariwang karne sa palengke ng Lingayen ayon sa ilang tindera.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa mga tindera ng fresh meat, nagiging dahilan umano ng matumal na bentahan ang pagsulpot ng mga frozen meat sa kanilang pamilihan.
Ang presyo ng frozen meat ng baboy ay nasa 130-220 pesos kada kilo malayo sa presyo ng sariwang karne ng baboy na nasa P330 per kilo.
Ayon naman sa ilang mamimili, wala umanong pagkakaiba ang lasa ng fresh meat sa frozen.
Sa kabila nito, panawagan ng mga fresh meat vendors na sana ay makagawa ng paraan ang lokal na pamahalaan upang maregulate ang pagbebenta ng frozen dahil tiyak na mas ligtas para sa mga mamimili ang kanilang ibinebenta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments