𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗚𝗜𝗙𝗧 𝗪𝗥𝗔𝗣𝗣𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗢𝗪𝗡𝗧𝗢𝗪𝗡 𝗔𝗥𝗘𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗧𝗨𝗠𝗔𝗟 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗗𝗘𝗥𝗔

Kahit pa umpisa na ng holiday season at kabi-kabilaan ang mga ginaganap na Christmas party at thanksgiving, matumal pa rin umano sa ngayon ang bentahan ng gift wrapper sa bahagi ng downtown area sa Dagupan City.

Ayon sa ilang tindera ng gift wrapper, hindi pa ngayon ramdam ang dagsa ng mga mamimili para bumili ng mga ready-made na gift wrapper kahit pa mura na itong ibinebenta.

Dagdag nila, marami na rin kasi umanong nauusong paraan ng gift wrapping o hindi kaya ay may mga nabibili na sa online na mga pambalot o panregalo na kasama na pati gift wrapping.

Ang ilang konsyumer, mas prefer na daw ngayon ang mga panregalong swak sa kanilang budget kung saan all-in-one na umano gaya ng pagbili ng regalo sa isang pamilihan na may kasama na ring offer na pagbabalot nito nang sa gayon ay iwas hassle at hindi na makipagsiksikan sa mga baratilyo para bumili ng gift wrapper.

Sa ngayon, nasa starting price na limang piso ang bentahan ng mga gift wrapper na mabibili sa mga nakapuwesto sa kalsada depende pa umano yan sa klase at uri ng gift wrapper na bibilhin.

Bagamat matumal ang bentahan, nakakaraos pa rin umano sila dahil kahit papaano ay may mga bumibili pa rin at tumatangkilik sa kanilang mga benta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments