Nananatili pa rin sa bente pesos ang kada kilo ng produktong kamatis na ibinibenta ng ilang vegetable vendors sa ilang pamilihan sa Dagupan City.
Nitong nakaraan buwan lamang, naranasan ang pagbagsak ng presyo ng naturang produkto kung saan umabot pa sa ₱10 hanggang ₱15 ang kada kilo nito kung saan pinauubos na lamang ng ilang mga vendors nang sa gayon ay maiwasan ang pagkabulok ng mga ito at hindi masayang.
Malaking bahagi sa presyo ng kamatis ang nabawas ngayon kumpara dati na naglalaro pa sa 80 pesos hanggang ₱100 ang kada kilo nito.
Maging ang farmgate price nito sa lalawigan ay nasa ₱20 ang kada kilo, ayon sa latest update ng Department of Agriculture Ilocos Region.
Sa ngayon, tuloy pa rin naman ang bentahan ng kamatis sa mga pamilihan sa lalawigan at patuloy pa rin na binibili ng mga konsyumer nang siyang nagagamit rin nila umano sa ibat-ibang ulam na maaari nilang gawin at ihain. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨