𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬 𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦

Inaasahan na ng mga fish vendor sa Magsaysay Fish Market sa lungsod ng Dagupan na lalakas ang bentahan ng isda habang papalapit ang Undas.

Ayon sa ilang fish vendors, ang mga uuwi sa Pangasinan ay kadalasang dumadaan sa naturang pamilihan upang bumili ng mga sariwang isda.

Bago bumalik sa kanilang trabaho namamakyaw din ang ilan na ibinabyahe pa sa Manila bilang pasalubong o di kaya ay ginagawang pang benta.

Sa ngayon, naglalaro ang presyo ng bangus mula sa 150-160 pesos kada kilo.

Samantala, sa boneless bangus naman naglalaro ang presyo mula 95-115 pesos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments