𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦

Nagtaas umano ng sampung piso ang bentahan ng kandila ngayon kung ikukumpara sa mga nakaraang undas ayon sa ilang tindera nito sa bayan ng Calasiao.

Ayon sa ilang tindera sa Calasiao Public Market, Mataas umano ang kuha nila sa supplier ng kanilang ibinebentang kandila dahil nagtaas rin umano ang materyales sa paggawa nito.

Sa ngayon aniya, mangilan ngilan pa lamang ang bumibili sa kanila ng kandila.

Narito ang ilan sa presyo ng kandila;
Puting Kandila-55 pesos/ 20 pcs
Orange na Kandila – 45 pesos/ 20 pcs
Brown – 25 pesos/ 20 pcs
Brown (Big) – 40 pesos/ 20 pcs
Orange (Big) – 45/ 20 pcs
Kandilang nasa Baso (Small) 60/pc
Kandilang nasa Baso (Big) 100/pc
Electric Candle, 30 pesos/pc

Titiisin na lamang umano ng ilang tindera na wala na silang kitain basta mailako lamang ang kanilang paninda upang mabawi ang puhunan.

Umaasa naman ito na sa susunod na linggo ay lalakas na kanilang bentahan ng kandila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments