Dismayado ang ilang tindera ng kandila sa harap ng Roman Catholic Cemetery sa Dagupan City dahil naging matumal umano ang bentahan nito sa paggunita ng Undas kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Ilang tindera ang nagtiyaga hanggang sa araw ng linggo at umaasang mauubos ang kanilang ibinibentang kandila.
Anila, mahina ang bentahan ng kandila dahil sa bukod sa marami umanong kakumpetensya sa pagbebenta ng kandila ay mas pinili na rin umano ng mga bumibisita na bumili na ng maaga bago dumalaw sa sementeryo.
Bagamat maari namang ibalik sa kanilang supplier Ang hindi naibentang kandila sayang parin umano Sana ang kikitain ng mga ito.
Samantala, naging matumal rin ang bentahan ng bulaklak sa lungsod kahit pa ang ilang nag bagsak presyo na kahapon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨