๐—•๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—ก๐—˜ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—•๐—ข๐—ฌ, ๐— ๐—”๐—ง๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—š๐—ฆ๐—ข๐—— ๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐—จ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก

CAUAYAN CITY โ€“ Matumal ang kita ngayon ng mga meat vendors sa Pamilihang Lungsod ng Cauayan.

Kung dati ay naglalaro lamang ito sa P280-300 per kilo,ngayon naman ay pumalo na ito sa P320-380 kada kilo.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Ginang Marie, meat vendor, kakaunti umano ang mga bumibili dahil sa mataas na presyo ng karne.


Ayon pa kay Ginang Marie, mahirap din umano ang supply ng baboy sa ngayon at tumaas rin ang presyo ng live weight na baboy kung saan aabot ito sa P245 kada kilo.

Samantala, ilan naman sa mga konsyumer ang bihira nang bumibili ng karne ng baboy tulad na lamang ni Ginoong Bryan.

Aniya, gulay at isda muna ang kanyang madalas na binibili sa palengke at kung bumili man ng karne ay paminsan-minsan na lang dahil sa taas ng presyo nito.

Facebook Comments