Dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo ng bigas sa pamilihan ng Dagupan City, kahilingan ngayon ng mga Dagupeño na mabigyan ito ng solusyon sa State of the Nation Address ni PBBM.
Sa panayam ng IFM Dagupan, sa ilang residente ng lungsod bukambibig ng mga ito na maranasan naman ang pagbaba ng presyo ng bigas.
Sa lungsod, pumalo na sa 58 hanggang 46 pesos ang bentahan ng bigas.
Bagamat may sinasabing 29 pesos na bigas sa mga Kadiwa Stores limitado umano ito sa mga vulnerable sectors.
Dahil dito, Mananatili umano ang panawagan ng mga Dagupeño sa ipinangakong bente pesos na kada kilo ng Bigas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments