Lumalakas na ngayon ang bentahan ng mga produktong isda at lamang dagat sa mga pamilihan sa lungsod ng Dagupan kumpara noong nakaraang naranasang tumal ng benta ng mga nasabing produkto.
Isa sa higit tinatangkilik ay ang Bangus na nasa โฑ160 hanggang โฑ180 ang per kilo bagamat dumedepende sa uri ng laki na bibilihin.
Sapat din ang suplay ng mga isda hanggang sa matapos ang pagdiriwang ng Holiday Season dahil maayos naman daw ang mga produksyon ng mga ito.
Samantala, maging mga shellfish tulad ng tahong na naglalaro sa โฑ80 to โฑ90 na kada kilo at talaba na nasa โฑ100 ang isang sukat ay kabilang pa sa madalas na bilhin alinsunod na rin sa selebrasyon ng holiday season. | ๐๐๐ข๐ฃ๐๐ฌ๐จ
Facebook Comments