𝗕𝗙𝗔𝗥 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗞𝗜𝗡𝗨𝗠𝗣𝗜𝗥𝗠𝗔 𝗡𝗔 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗦𝗛 𝗞𝗜𝗟𝗟 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗪𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Kinumpirma ng BFAR Region 1 na hindi gataw o fish kill ang naganap sa biglaang paglutang ng napakaraming bangus sa bahagi ng western Pangasinan.

Noong isang araw nagulantang ang ilang mga residente sa bayan ng Bolinao at Anda nang sumambulat sa kanila ang napakaraming bangus. Diumano, lumutang ang mga ito pagkatapos ng ulan sa kabila ng naging matinding init ng panahon.

Dahil dito, bumagsak umano ng bente hanggang trenta pesos ang kada kilo ng bangus, na nilinaw na mga ‘leftovers’ lang o simot. Ang farmgate price naman umano ay naglalaro pa rin 70-80 pesos ang kada kilo.

Samantala, nilinaw naman ng Bolinao LGU na hindi apektado ng kumakalat na impormasyong ‘fish kill’ ang sanhi ng biglaang paglutang ng mga bangus. Gayundin, ang inilabas na pahayag ng BFAR Region 1.

Sa kabilang banda, kinumpirma ng BFAR na ito isa lamang isolated fish mortalities. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments