Patuloy na dumarami ang breed ng Red Tilapia sa may Ilocos Sur na inisyatibo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Matatandaan na ilang benepisyaryo ng village-type hatchery o pond-based technology ng Red Tilapia noong Agosto ng nakaraang taon. Ang ipinamahaging fry ay mula sa Line A at Line B family breeder quality ng Red tilapia mula sa National Freshwater Fisheries Technology Center.
Makalipas ang anim na buwan ay isinagawa ang fin clipping at sexing ng dalawang linya ng magiging red tilapia breeders upang maayos na ipares ang stock
.
Sa kabuuan, may 727 pcs mula sa Line A at 676 pcs na mula naman sa Line B na pinagpares kalaunan. Ayon sa BFAR, nakakapagprodyus ng tinatayang 259,000 kada cycle ng red tilapia at aabot ng 1.295 million fry sa isang taon.
Pagbabahagi ng benepisyaryo ng programa, sa kanyang obserbasyon mas mabilis lumaki ang red tilapia kumpara sa nile tilapia.
Ang programang ito ng BFAR ay nakalaan sa mga labis na naapektuhan ng Local Communist Armed Conflict noon at pinaniniwalaang makakatulong maging sa ibang lalawigan upang matulungan ang mga mangingisda at matiyak ang suplay ng semilya ng tilapia. |πππ’π£ππ¬π¨