𝗕𝗙𝗣 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗-𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡

Nagbigay ng paalala sa publiko ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng Bayambang dahil sa kamakailang sunod-sunod na insidente ng sunog sa nasabing bayan.

Panawagan ng ahensya na mag-doble ingat sa ang mga residente lalo na at panahon ng El nino o tagtuyot.

Maigi umanong suriin palagi ang mga kagamitan sa loob ng bahay tulad ng mga gamit na nangangailangan ng kuryente para maiwasan ang short circuit.

Nagbigay abiso rin ang BFP sa mga residente na huwag hagisan ng upos ng sigarilyo ang kumpol ng mga tuyong dahon o damuhan dahil maaari rin itong pagmulan ng sunog.

Ang sinumang makikitang gagawa nito ay may haharap din sa karampatang parusa at multa dahil nakasaad ito sa na Solid Waste Management Act (Republic Act 9003) at Philippine Clean Air Act of 1999. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments