Maigi ang pagmomonitor at pag-iinspeksyon ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Dagupan sa ilang bahagi ng lungsod bilang seguridad ng mga residente ngayong holiday season.
Nito lamang, isa isang ininspeksyon ng BFP ang mga pailaw sa Paseo de Belen sa bahagi ng De Venecia road at sinita ang mga pailaw na may kakulangan sa safety protocols at mga dapat pang isaayos para iwas disgrasya sa mga bumibisita.
Bumibisita rin ang naturang ahensya sa mga abra-barangay sa lungsod nang sa gayon ay maging doble rin ang pag-iingat sa kahit ano mang sakuna tulad ng sunog pati na rina ng maaaring maging epekto ng mga paputok kung sakali man na may matyempohan na gumagamit nito.
Una nang pinaalala ng BFP ang mga dapat iwasang gawin ngayong holiday season upang makaiwas sa ano mang uri ng disgrasya at kapahamakan.
Mahigpit din nilang babantayan ang mga magbabalak na magbenta ng mga paputok at kahit pa legal na paputok ay kanila pa ring kukumpiskahin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨