CAUAYAN CITY – Nagsimula nang ilunsad ng Department of Agriculture ang programang “Bigas 29′ sa lambak ng Cagayan.
Ang nasabing programa ay binuksan partikular sa mga low-income earners kung saan una sa mga ito ay mamamayan mula sa Tuguegarao City.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Dr. Rose Mary G. Aquino, regional executive director, na umpisa pa lang ito ng programa na alinsunod sa isinusulong ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na murang bigas para sa masa.
Katuwang ng ahensya sa paglulunsad ng programa ay iba’t-ibang farmers cooperative at local government units sa KADIWA ng Pangulo upang matiyak na ang mga ibebentang bigas ay dekalidad at dumaan sa proseso.
Maliban sa malaking tulong ito para sa mga magsasaka, sinabi pa ni RD Aquino na sa pamamagitan nito ay matutugunan ang food security ng bansa.