𝗕𝗜𝗚𝗧𝗜𝗠𝗘 𝗢𝗜𝗟 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗛𝗜𝗞𝗘, 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦

Sasalubong bukas, December 26 ang nakaambang malakihang taas presyo sa mga produktong langis.

Nauna nang nag-anunsyo ang mga oil companies noong nakaraang linggo ukol sa nasabing oil price hike base sa 4-day average ng mops index.

Inaasahan ang pagtaas salaha ng kada litro ng mga babanggiting uri ng pangkaraniwang ginagamit ng krudo. Ang Gasoline na inaasahang may 1.60 pesos na taas, 1.70 pesos naman ang maaaring pagsirit sa Diesel habang may posibleng umento rin na 1.54 pesos sa Kerosene.

Dismayado naman ang ilang mga PUV operators sa Pangasinan dahilan na pagkatapos mismo ng araw ng Kapaskuhan ay taas presyo raw ang sasalubong sa mga ito.

Samantala, nakikitang salik sa pil price hike ay bunsod ng pag-iwas ng mga oil companies at tank owners sa Red Sea sa gitna ng pag-atake ng Houthi Rebels. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments