𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗧, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝟭𝟯𝟰𝗞

Tumaas pa ang bilang ng mga apektadong indibidwal sa Ilocos Region dahil sa Bagyong Enteng at Habagat.

Sa huling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1, nasa 134,,230 na indibidwal o katumba ng 32, 540 na pamilya sa rehiyon ang naapektuhan ng sakuna. Sa naturang bilang, pinakamarami ang apektado sa lalawigan ng Pangasinan na nasa 122, 391 katao, La Union na mayroong 11, 680, 158 sa Ilocos Sur at isang indibidwal sa Ilocos Norte.

Sa kasalukuyan, nasa 55 katao ang nanatili sa evacuation centers na mula sa tatlong bayan at isang lungsod. Nakauwi na rin ang 269 na indibidwal na nauna nang inilikas sa Aguilar, Alcala at Mangatarem, Pangasinan.

Nasa labing siyam din ang nasirang bahay sa rehiyon dahil sa sakuna.

Samantala, Nasa higit tatlong milyon ang naibigay na tulong ng DSWD sa mga apektadong residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments