𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗝𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝟴𝟲𝗞

Umakyat pa sa higit 86K na mga indibidwal sa buong Ilocos Region ang apektado ng Bagyong Julian.

Kabuuang 23, 600 na mga pamilya o katumbas ang 86, 410 na mga residente na mula sa 255 na barangay sa Ilocos Norte, 80 barangay sa Ilocos Sur, at 4 na barangay sa La Union ang apektado.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga lokal na pamahalaan sa mga Pamahalaang Panlalawigan at mga ahensya para sa maibibigay na tulong sa mga apektadong residente.

Nananatiling nakataas sa TCWS No. 1 ang hilaga at kanlurang bahagi ng Ilocos Norte habang patuloy ding mararanasan pa ang mga pag-uulan sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, La Union at Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments