𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗘, 𝗨𝗠𝗔𝗞𝗬𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝟯𝟬𝟬𝗞

Pumalo sa halos tatlong daang libong mga indibidwal sa Ilocos Region ang naitalang naapektuhan dahil sa Bagyong Kristine.

Sa datos ng Office of the Civil Defense Ilocos, kabuuang bilang na 283, 667 na mga indibidwal katumbas ang 67, 305 pamilya ang mga apektado sa rehiyon.

Ayon sa tala, nasa 35, 391 ay mula sa Dagupan City, 19, 038 mula sa Pangasinan, 4, 933 sa La Union, 1, 996 sa Ilocos Sur, at 5, 947 sa Ilocos Norte.

Nagsimula na ring mamahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga apektadong residente kung saan Naihatid ang nasa P7, 442, 501. 2 na halaga ng tulong sa 46, 711 na mga pamilyang nangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments