Mas bumaba ang bilang ng mga clustered precincts na gagamitin sa paparating na 2025 Midterm Elections, ayon sa COMELEC Pangasinan.
Ayon kay COMELEC Pangasinan Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza, mula sa 3,339 na presinto noong nagdaang halalan sa Pangasinan, nasa 2,869 na lamang ito.
Aniya, ito ay dahil mas tinaasan ang bilang ng mga bumuboto kada presinto kung saan mula sa 800 ay nasa 1,000 na.
Dagdag pa riyan ang pinahabang oras kung kailan pwedeng bumoto mula 7AM-7PM, kung saan iprayoridad ang mga nasa vulnerable sectors na puwede nang bumoto ng ala singko ng umaga.
Samantala, ang naturang bilang ng presinto ay mula sa itinalagang 1,204 na voting centers sa probinsya kung saan inaasahang boboto ang 2.1 million na Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨