Lumalabas sa datos ng Land Tranportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nasa 75.56% na diumano ang kabuuang bilang ng mga jeepney operators na consolidated na sa kalakhang rehiyon uno.
Ayon kay Atty. Mark Anthony Espenilla, representante ng LTFRB Region 1, 4,609 na mula sa 6,100 na mga operators ang sumunod sa deadline ng LTFRB ukol sa PUV Modernization program.
Dagdag pa niya, na hindi kabilang sa kabuuang bilang ang mga humabol sa deadline noong ika-30 at 31 ng Disyembre noong nakarang taon.
Sa kabilang banda, sinuri ng ahensya nila diumano ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi nakapag-consolidate ang ibang driver at operators. Aniya, hindi nagkakasundo ang ibang driver at operators sa mga polisiya ng ibang kooperatiba dahil sa taas diumano ng membership fee at pagcontrol diumano nito sa kikitain ng mga driver.
Bagamat hindi nakapagconsolidate, gagawa naman diumano ng paraan ang Office of the Transport Cooperatives na iprayoridad ang mga displaced PUV drivers na magkaroon ng trabaho.
Matatandaan na nagtapos na ang deadline ng jeepney consolidation sa huling araw ng 2023.
Sa kasalukuyan, wala pa ring inilalabas na pagpapalawig sa epekto ng mga prangkisa ng mga hindi nakapagpaconsolidate na pinananawagan naman ng iba’t-ibang transport groups sa buong Pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨