𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗧 𝗔𝗧 𝗖𝗔𝗥𝗜𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢 𝗡𝗔; 𝗜𝗡𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗧𝗘𝗔𝗠 𝗜𝗡𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧𝗢

Pumalo na sa 606 na pamilya o katumbas ng 2,349 na indibidwal ang apektado ng habagat at Bagyong Carina Sa Ilocos Region base sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development field office 1.

Ang nabanggit na bilang ng indibidwal ay mula probinsya ng La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte. Nauna nang nagpadala ng tulong ang tanggapan sa mga pamilyang nasa evacuation centers sa Vigan City Ilocos Sur na nagkakahalaga ng 100,000.

Sa kasalukuyan nasa 42, 264 ang nakahandang family food packs at 21, 627 na non-food items ang naka position na sa labing siyam na satellite warehouse ng DSWD Field Office 1 sakaling kailanganin ng LGUs ang tulong ahensya.

Inihayag din ng tanggapan na activated na ang Incident Management Team nito upang masiguro ang mabilis na pagresponde sa mga pamilyang maapektuhan ng sakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments