𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚-𝗔𝗔𝗕𝗨𝗦𝗢 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔

Mababa ang naitatalang kaso ng uri ng pang-aabuso sa Ilocos Region hanggang sa kasalukuyan ayon sa Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 1.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Ms. Clarivel C. Banzuela, ang Chief Statutory Programs ng DSWD FO1, nasa pitumpu ang naisangguning kaso ngayong taon ng pang-aabuso sa mga kabataan, mga bata at kababaihan sa rehiyon.

Mababa ito kumpara sa naitalang kaso noong taong 2023 na nakapagtala ng nasa dalawang daang kaso.

Inihayag ni Banzuela na bagamat mababa ay hindi maaaring maging kampante at dapat umanong mas maging alerto at mapagmatyag pa sa mga posibleng kaso pa ng mga insidenteng pang-aabuso.

Tiniyak din nito ang puspusang pagsasakatuparan ng mga interbensyon ng ahensya para sa mga abuse victims at binigyang diin ang kahalagahan ng pagiging maalam sa karapatan ng bawat indibidwal laban sa mga mapang-abusong tao.

Samantala, bukas ang tanggapan ng DSWD FO1 at mga local CSWD AT MSWD sa reklamong nais isangguni ng mga kabilang sa vulnerable sectors. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments