Araw na mismo ng pasko ngayon, December 25 ngunit marami pa rin ang mga byaherong nagaabang sa mga bus terminal sa Dagupan City para humabol pa at makasama ang mga pami-pamilya sa mga probinsyang balak nilang uwian.
Simula pa kaninang madaling araw ay hindi umano matapos tapos ang pila ng mga byaherong nais umalis o umuwi para sa selebrasyon ng holiday season.
Ang ilan sa mga byahero, babalik sila probinsya pagkatapos na lamang ng bagong taon at magpapa-early book na lamang daw ulit ng byahe para hindi na maabala sa dagsa ng mga byahero.
Nitong nakaraang linggo lamang ay dagsa na umano ang mga byaherong nagsidatingan sa mga naturang bust terminal at inaasahan na magpapatuloy pa umano ito hanggang sa araw bago mag-bagong taon.
Inaasahan na muling mararanasan ang dagsa ng mga byaherong magsisibalikan naman sa probinsya pagkatapos ng bagong taon hanggang sa mga unang araw ng Enero 2024. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨