𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦

Tumaas ang bilang ng mga residente sa Region 1 ang may trabaho. Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1, Regional Manager Exequiel Ronie A. Guzman, nito lamang Abril ng taon nakapagtala na sila ng 2. 4 milyong residente ang kasalukuyang may trabaho.

Mas mataas ito kumpara noong nakaraang taon na nasa 2. 32 milyon na naitala sa parehas na panahon.

Gumanda rin ang kalidad ng employment sa rehiyon na nasa 96. 5% o 100,000 na dumagdag na bagong trabaho. Ibig sabihin mas marami ng mayroong stable at full time na trabaho.

Bumaba naman ang bilang ng mga manggagawa sa rehiyon na underemployed o mga indibidwal na mas nangangailangan ng matagal na oras ng trabaho o di kaya ay manggagawang naghahanap ng karagdagang mapagkakakitaan. Sa datos ng kagawaran noong nakaraang taon nasa 12.7% ang underemployed.

Ngayong taon nasa 8.6% o katumbas ng 81,000 manggagawa na lamang. Sinabi ni Guzman, hindi umano hihinto ang kagawaran sa pagsasagawa ng Jobs Fair upang matulungan ang mga kababayang nagnanais na makahanap ng trabaho.

Sa katunayan aniya ngayong taon nasa higit kumulang walong libo na ang nagpunta sa kanilang isinasagawang Jobs Fair at 1, 319 dito ang hired on the spot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments