Binigyang diin ni Autopro One Pangasinan Federation President Bernard Tuliao na sapat at sobra pa ang bilang mga mga modernized jeepneys sakaling ipatupad ng tuluyan ang PUV modernization.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Tuliao, sinabi nito na matagal ng nakapag miyembro ang malaking porsiyento ng kanilang hanay kung saan ay iilan na lamang ang hindi miyembro dito.
Sa lunes ay nakatakdang magtungo si Tuliao sa pamunuan ng LTFRB upang itanong kung ano ang pwedeng gawin sa mga gustong humabol at mag miyembro sa nasabing PUV consolidation.
Matatandaan na inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na wala nang extension ng PUV Consolidation kung saan ay sa April 30 na lamang ito at inaasahang na sa taong 2026 ay tuluyan nang mawala ang mga traditional jeepneys. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨